ISULONG: TAMANG PAG-AARUGA PARA SA LAHAT NG BATA (CHILDREN'S MONTH 2018)

       Hinding-hindi makukumpleto ang isang pamilya kung walang mga bata. Sila ang nagbibigay ng kasiyahan at kagalakan sa isang tahanan. Para sa mag-asawa, ang mga anak ay biyaya na ibinigay ng Panginoong Diyos.
Image result for picture of children
       

        Isang malaking responsibilidad ang pagiging magulang. Wala ng bawian pa, sa madaling salita. Tanging pagmamahal, pagtitiis, at tiyaga ang kailangan upang magampanan nang maayos ang napalaking responsibilidad na ito Kinakailangang mahalin nila ang kanilang mga anak dahil ito ang bunga ng kanilang pagmamahal at pinaghirapan na inalagaan at iningatan s sinapupunan ng isangg ina sa loob ng siyam na buwan.
Image result for picture of children


     Walang patutunguhan ang ating buhay kapag walang pagtitiis, at kapag ito ay maipapamalas natin sa pag-aalaga ng ating mga anak, mapapalaki sila nang maayos at maging ang tiyaga na siya ring isa sa mga pinakaimportanteng kailangang taglayin ng bawat magulang sa pag-aalaga atpag-aaruga sa kanilang anak. Nararapat lamang na sila ay laging handa alang-alang sa kaligtasan ng kanilang anak at iniisip ang kakayahan ng kanilang mga anak sa lahat ng mga sitwasyon kung sila ay nag-iisa.


      Kung ang bata ay lalaking disiplinado at maprinsinpyo, siya ay magiging marangal na ehemplo sa iba kaya napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng pagiging magulang. Nakabatay sa tamangpag-aaruga ang kaunlaran at kahihinatnan ng isang bansa.

Image result for picture of children


photo credits:
 https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&ved=2ahUKEwje4L-0ptnfAhVYWH0KHaAYDDEQjRx6BAgBEAU&url=%2Furl%3Fsa%3Di%26source%3Dimages%26cd%3D%26ved%3D%26url%3Dhttp%253A%252F%252Fclipart-library.com%252Fkids-playing-outside-clipart.html%26psig%3DAOvVaw1TAWGb27tMEn9fiG_dmskH%26ust%3D1546869027292666&psig=AOvVaw1TAWGb27tMEn9fiG_dmskH&ust=1546869027292666
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&ved=&url=http%3A%2F%2Fclipart-library.com%2Fkids-clipart.html&psig=AOvVaw1TAWGb27tMEn9fiG_dmskH&ust=1546869027292666
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwjuwKHbp9nfAhXaF3IKHeIHCP0QjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fwww.mycutegraphics.com%2Fgraphics%2Fkids-clip-art.html&psig=AOvVaw1TAWGb27tMEn9fiG_dmskH&ust=1546869027292666
https://brainly.ph/question/1863227

Comments

  1. MAGALINGG!! MAHALIN NATIN LAHAT ANG MGA BATA! AT WAG ABUSUHIN!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Celebrating Philippine Independence Day

UGALIING MAGTANIM SAPAT NA NUTRISYON AANIHIN (NUTRITION MONTH 2018)