GADGETS: HUWAG ABUSUHIN, SA TAMA ITO'Y GAMITIN
Sa pagdaan ng panahon, patuloy na ang pagrami at paglawak ng mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong nito, ay masasabing nakakasabay na tayo sas kaunlaran at pagbabago ng teknolohiya ng mga mauunlad na bansa.
Sadyang napakalaking tulong ang naibibigay ng gadgets sa pang araw-araw na buhay ng bawat isa sa atin na para nga sa iba, itinuturing na nilang itong buhay o kaya nama'y sinasabing hindi sila mabubuhay kung wala ang mga ito. Totoo ngang ang mga ito'y madaming naitutulong sa atin, sa paaralan man, sa trabaho, at para rin sa ating kasiyahan.
Ngunit hindi maipagkakaila na mayroon rin itong mga naidudulot na masama. Dahil sa social media, marami ng tao at mga teenager ang nasisira ang buhay at napapahiya dahil sa mga ito. Napapahiya dahil madami nang naikakalat na larawang nakahubad, o mga videos na hindi nakakaayang panoorin. Ang mga away na dapat sana ay pribado ay ipinangangalandakan na rin dahil sa pagpopost at nagpapasaringan gamit ang mga social media accounts. Nagbabago na rin ang pananaw ng mga kabataan sa mga bagay-bagay dahil sa kinaadikang mga online games at kasama na rin dito ang kanilang pakikisalamuha. Masasabi ring mas malaki ang nailalaan na oras ang mga estudyante sa computer shop kesa sa pagbabasa ng kanilang mga aralin. Maging sa oras ng klase ay hawak-hawak ng mga estudyante ang mga gadgets kaya nawawalan ng ganang makinig sa guro.
Masakit mang isipin na ang mga sariling likha ng tao ay siya ring makakasira ng mga buhay nila. Ngunit para sa akin, nasa atin naman ito kung gagamitin sa tama o hindi dahil ang mga ito ay nilikha lamang ng tao at hindi kayang kontrolin ang ating mga buhay.
photo credits: https://previews.123rf.com/images/elenavdovina/elenavdovina1702/elenavdovina170200028/71071823-gadgets-electrodom%C3%A9sticos-fondo-transparente-blanco-color-vector-fondo-blanco-con-im%C3%A1genes-de-gadgets-y-.jpg
Comments
Post a Comment