FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK (BUWAN NG WIKA 2018)
Ang Filipino ay ating pambansang wika. Ating itong ginagamit upang magkaroon ng mabisang komunikasyon sa ating bansa. Sadyang napakahalaga ng wikang ito sapagkat ito ang pinakapangunahing instrumento nating mga Pilipino na maipahayag ang ating damdamin, saloobin, kaisipan, opinyon at iba pa.
Ating ginagamit ang wikang Filipino dahil ito ang simbolo at instrumento para makilala tayong Pillipino. Nagpapaalala sa atin ito na sa kabila ng imperyalismo ng ibang bansa, ay nanatili tayong tapat sa ating bansa hanggang sa nakamit natin ang ating kalayaan. Sa kabilang dako, ito ay nagbibigay at naglalayon na pagtibayin ang paggamit ng pambansang wika sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral mapa-akademiko, syensya man, at iba pa. Nararapat na gamitin ito sa ating pananaliksik dahil dito, magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga paksang kadalasa’y hindi batid o maintindihan ng karamihan.
Para sa akin, kailangang ilimbag natin sa wikang Filipino ang ating nga saliksik dahil dito, mas masasanay tayo at mamihasa nang lubos sa paggamit ng ating pambansang wika.

Comments
Post a Comment