GADGETS: HUWAG ABUSUHIN, SA TAMA ITO'Y GAMITIN
Sa pagdaan ng panahon, patuloy na ang pagrami at paglawak ng mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong nito, ay masasabing nakakasabay na tayo sas kaunlaran at pagbabago ng teknolohiya ng mga mauunlad na bansa. Sadyang napakalaking tulong ang naibibigay ng gadgets sa pang araw-araw na buhay ng bawat isa sa atin na para nga sa iba, itinuturing na nilang itong buhay o kaya nama'y sinasabing hindi sila mabubuhay kung wala ang mga ito. Totoo ngang ang mga ito'y madaming naitutulong sa atin, sa paaralan man, sa trabaho, at para rin sa ating kasiyahan. Ngunit hindi maipagkakaila na mayroon rin itong mga naidudulot na masama. Dahil sa social media, marami ng tao at mga teenager ang nasisira ang buhay at napapahiya dahil sa mga ito. Napapahiya dahil madami nang naikakalat na larawang nakahubad, o mga videos na hindi nakakaayang panoorin. Ang mga away na dapat sa...